How to Renew your LTOPF
1. Secure All Requirements
- Application Form (Free)
- PNP National Police Clearance (P150)
How to apply PNP Clearance click here for tutorial
- Neuro Psychiatric Clearance from PNP Crime Laboratory (P900)
reminders: bring 2x2 ID Picture, ball pen and pencil
- Drug Test Result from PNP Crime Laboratory (P300)
ang result ng NEURO at DRUGTEST ay 3 to 5 days, pero madalas kinagabihan makikita muna sa online account mo
2. Open your FEO online account.
Sa pagkakataong hindi muna mabuksan ang iyong online account, mag email sa IT section ng FEO (itconcerns00@gmail.com/ feocsg@pnp.gov.ph/ inquiries.feopnp@gmail.com), maari rin kayong tumawag 87230401 loc 7156 para mag follow up ng iyong email, ngayon kung wala parin sagot ang isa pang paraan ay ang pagpunta mismo sa Camp Crame, IT section OSS 2nd floor.
Mag log-in sa iyong FEO Online account, click Select Services, Transaction Type click RENEW, PROCESSING BRANCH click o piliin mo yung branch kung saan ka mag actual evaluation/magpapasa ng documents/mag papaprint ng ID, kung sa Metro Manila piliin mo FEO or MOA. Sa expiration pili ka ng 5 or 10 yrs.
WARNING siguraduhing tama ang PROCESSING BRANCH na iyong napili, lalo na yung mga nasa probinsya, piliin ang tamang RCSU sa inyong rehiyon.
click select services.
3. Upload documents required in your FEO Online Account.
Kapag nag reflect na ang resulta ng iyong Drug Test at Neuro, isunod muna ang pag upload ng mga dokumentong kailangan.
note: Kapag 10 yrs ang napili mo,kailangan mo mag pasa ng Affidavit of Undertaking na notaryado.
4. Waiting Game
pagkatapos mong mag upload ng dokumento ang una mong makikita ay
FOR ONLINE EVALUATION ito ay nangyayari sa processing branch na iyong napili, sila ang mag evaluate ng iyong dokumento kung sapat o hindi ba, ngayon kapag meron kulang, hindi po magtutuloy ang proseso, maglalagay sila ng remarks sa iyong account kung ano ang dapat mong gawin, halimbawa hindi napanotaryo ang ipinasa mong application form, kailangan mong ipanotaryo at iupload uli. Madalas dito nagtatagal ang application, sa tanong kung gaano ka tagal ang ONLINE EVALUATION, depende yun sa branch na pinili nyo, minsan mabilis minsan matagal, kaya kung mag follow up kayo, dun dapat sa branch na napili nyo,
FOR CFLD APPROVAL, FOR ACFEO APPROVAL, ito ay nangyayare sa FEO Camp Crame, mabilis nalang po ito, araw lang meron nang approval.
- For Online Evaluation (1 week)
- For ACFEO Approval (Assistant Chief Firearm & Explosive Office 1-3 Days)
- For CFLD Approval (Chief Firearm License Division 1-3 Days)
5. Payment
Pagkatapos ng mga approval lalabas na sa iyong account ang REFENCE Number ,saka lang maaring magbayad kapag meron ng reference number, maari po itong bayaran sa mismong landbank gamit ang oncoll slip, o kaya kung ikaw ay maalam sa online, pwede kang magbayad online gamit ang epayment ng landbank epayment click here, matapos ang pagbabayad kailangan iupload ang resibo, click mo lang ang upload receipt na makikita mo sa iyong online account.
Maari narin magbayad gamit ang Gcash, siguraduhin mo lang na merong sapat na laman ang Gcash mo, kailangan tuloy tuloy ang pagtransak gamit ang Gcash, kapag nag BACK ka kasi maaring mag FAIL, next option mo ay Landbank na. Kapag sa online kayo nagbayad wala ng kailangan i upload na resibo, pero wag mo parin kalimutan i screenshot ang resibo kasi kailangan mo parin ito. Paano magbayad gamit ang GCash click here
6.Set Appointment or For Printing/Release
SET APPOINTMENT Pumili ng araw kung kailan ka pupunta sa processing BRANCH upang magpasa ng mga dokumentong nai-upload mo online o ACTUAL EVALUATION. Sa pagkakataong hindi ka makarating sa araw ng iyong APPOINTMENT, kaya gusto mong palitan yung APPOINTMENT mo, aantayin mong lumagpas ang iyong APPOINTMENT date, para ikaw ay makapag schedule ng panibagong Appointment.
FOR PRINTING/RELEASE Kapag for printing/release ang status mo, wala na pong set appointment yan, meaning Actual evaluation na agad.
7. Actual Evaluation and Print ID
Ito ang huling proseso ng iyong LTOPF application, magtungo sa branch (RCSU/FEO) na iyong napili upang i-evaluate ang mga dokumentong nai-upload online, pagkatapos ma-evaluate ang iyong dokumento, maari no nang ipa-print ang ID. Wag kalimutang dalhin ang resibo.
PARA SA MGA KATANUNGAN
TANONG?
- Pwede ba online mag apply?
- Ang application, proseso ng papel/approval ay nanaganap online, pero sa Actual Evaluation personal kang magpapasa ng papel.
Comments
Post a Comment