LTOPF Procedures + Requirements + Fee

BABALA ......
Upang lubos nyo maintindihan ang proseso, basahin at panuorin ang lahat ng nilalaman.


1. Create Online LTOPF Account.






Siguraduhing tama ang lahat ng impormasyon ang inyong ilalagay sa paggawa ng account, isang account lang bawat tao, kaya kung nagkamali kayo at gumawa kayo ng panibagong account, mapapatagal ang iyong aplikasyon.

Sa pagkakataong nagkamali ka sa mga impormasyon na iyong nilagay at hindi muna kayang baguhin, o kaya nakalimutan mo agad ang password at email address, makipag ugnayan ka sa IT section ng FEO (itconcerns00@gmail.com/ feocsg@pnp.gov.ph/ inquiries.feopnp@gmail.com) 87230401 loc 7156, medyo matagal lang sila sumagot sa email, kaya mas maganda kung tawagan ninyo, kung nais nyo rin na agad mababago, kailangan nyo puntahan sa OSS 2nd Floor, IT section, Camp Crame.

Unahin ang paggawa ng account kaysa pagkuha ng NEURO, DRUG Test, kasi sa account papasok ang resulta.

Siguraduhing iisa ang address na iyong ilalagay sa account at sa address na nakalagay sa iyong mga requirements

Mag ingat sa pag bukas ng transaksyon, kung hindi naman kayo Sport Shooter, Gun Collector, or Antique Firearms Collector, wag nyo icheck, kasi me karagdagang requirements nyan n maaring hnd kayo makakakuha.

Applicant Type marami rin nagkakaproblema dito, kung kayo ay empleyado ng gobyerno at kaya mong mag bigay ng kopya ng plantilla,piliin mo GOVERNMENT EMPLOYEE. Kung empleyado kayo ng pribadong sektor, at kaya mong magbigay Certificate of Employment at Payslip, piliin nyo ang PRIVATE EMPLOYEE, wag yung private firm. Kung Businessman nmn piliin nyo siguraduhin nyo meron kayong mga papel n magpapatunay, tulad ng Mayors Permit, Sec, ITR, dapat latest. Kung kayo nmn ay wala sa naunang na banggit, hndi nyo kayang mag present ng mga naunang nabanggit ko, piliin nyo ang OTHER, para sa inyong proof of income, kumuha kayo ng CERTIFICATE of LIVELIHOOD sa Brgy.

Piliin ang tamang Processing Office/Branch, ang branch na iyong napili ay ang branch kung saan ka pupunta para sa Actual Evaluation, kung ikaw ay taga Manila , FEO ay sa Camp Crame, SATO MOA ay sa Mall of ASIA. Kung kayo ay nasa labas ng Metro Manila piliin nyo po ang tamang RCSU kung saan ka malapit.




2.  Secure Requirement
  • Application Form (Free)




  • PNP National Police Clearance (P150)

           How to apply PNP Clearance click here tutorial

  • Neuro Psychiatric Clearance from PNP Crime Laboratory (P900)
           (result linked from CL to FEO System)
            reminders: bring 2x2 ID Picture, ballpen and pencil
  • Drug Test Result from PNP Crime Laboratory (P300) 
            (result linked from CL to FEO System)
  • Original Gun Safety and Responsible Gun Ownership Seminar Certificate (P500)
             Certificate must be verified, Verification(P100) done inside FEO CRAME 
  • Original Copy of NSO/PSA Birth Certificate or Photocopy of Passport or Birth Certificate from the Local Civil Registry
  • Photocopy of Proof of Billing or Original Barangay Clearance for LTOPF Purposes
  • Photocopy of two (2) Valid Government ID
  • 4 pcs 2×2 ID Picture (for LTOPF form, NP, and DT
  • Proof of Qualification 
           Govt Employee: 
                   Photocopy of Appointment Order or Oath of Office and Government ID

            Private Employee/OFW:
                   Original Copy of Certificate of Employment, Pay slip and Company ID

                   Photocopy of Latest or Previous Contract and Seaman’s Book
  • Affidavit of Undertaking for 10 yrs 
           click link to download: 
                   https://ltopfonlineassistance.blogspot.com/2021/08/downloadable-forms.html
               



Drug Test, Neuro, PNP Clearance at Gun Safety Certificate ay maaring kuni sa SATO Mall of ASIA o sa Camp Crame kung ikaw ay nasa Meto Manila, sa mga taga probinsya maari kayong kumuha sa CARAVAN,meron rin sa mga RCSU tulad  sa Camp Olivas Pampanga, Camp Vicente Lim sa Laguna at Camp Alagar CDO, sa mga taga probinsya makipag ugnayan muna kayo sa mga Campo bago kayo pumunta, para hindi masayang ang panahon.

Yung mga kumuha ng GUN Safety sa paligid ng Camp Crame wag nyo po kalimutan ipavalidate ang Certificate of GUN Safety ninyo sa FEO, meron mga iilan Shooting Range na kinakapos sa pagpapaalala sa mga client nila na kailangang ipavalidate ang Certificate.

Proof of Livelihood ang kukunin nyo sa Brgy. para sa mga civilian na walang pay slip o ITR.

3. Select Services.
     
Mag log-in sa iyong FEO Online account, click Select Services, Transaction Type click NEW, Processing Office click o piliin mo yung branch kung saan ka mag actual evaluation/magpapasa ng documents/mag papaprint ng ID, kung sa Metro Manila piliin mo FEO or MOA. Sa expiration pili ka ng 5 or 10 yrs.















3. Upload documents required in your FEO Online Account.
     
Kapag nag reflect  na ang resulta ng iyong Drug Test at Neuro, isunod muna ang pag upload ng mga dokumentong kailangan.Kapag 10 yrs ang napili mo,kailangan mo mag pasa ng Affidavit of Undertaking na notaryado.




4. Waiting Game

Pagkatapos mong mag upload ng dokumento ang una mong makikita ay 
FOR ONLINE EVALUATION ito ay nangyayari sa processing branch na iyong napili, sila ang mag evaluate ng iyong dokumento kung sapat o hindi ba, ngayon kapag meron kulang, hindi po magtutuloy ang proseso, maglalagay sila ng remarks sa iyong account kung ano ang dapat mong gawin, halimbawa hindi napanotaryo ang ipinasa mong application form, kailangan mong ipanotaryo at iupload uli. Madalas dito nagtatagal ang application, sa tanong kung gaano ka tagal ang ONLINE EVALUATION, depende yun sa branch na pinili nyo, minsan mabilis minsan matagal, kaya kung mag follow up kayo, dun dapat sa branch na napili nyo.

FOR CFLD APPROVAL, FOR ACFEO APPROVAL, ito ang kasunod ng online evaluation, ito ay nangyayare sa FEO Camp Crame, mabilis nalang po ito, araw lang meron nang approval.


FOR ONLINE EVALUATION (1 week)








FOR CFLD APPROVAL (Chief Firearm License Division 1-3 Days)






4. Payment 

Pagkatapos ng mga approval lalabas na sa iyong account ang REFENCE Number ,saka lang maaring magbayad kapag meron ng reference number, maari po itong bayaran sa mismong landbank gamit ang oncoll slip, o kaya kung ikaw ay maalam sa online, pwede kang magbayad online gamit ang epayment ng landbank epayment click here, matapos ang pagbabayad kailangan iupload ang resibo, click mo lang ang upload receipt na makikita mo sa iyong online account.

Maari narin magbayad gamit ang Gcash, siguraduhin mo lang na merong sapat na laman ang Gcash mo, kailangan tuloy tuloy ang pagtransak gamit ang Gcash, kapag nag BACK ka kasi maaring mag FAIL, next option mo ay Landbank na. Kapag sa online kayo nagbayad wala ng kailangan i upload na resibo, pero wag mo parin kalimutan i screenshot ang resibo kasi kailangan mo parin ito. Paano magbayad gamit ang GCash click here






ONCOLL SLIP



Payment Confirmation from Landbank e-payment



5. Set Appointment or For Printing/Release

SET APPOINTMENT Pumili ng araw kung kailan ka pupunta sa processing BRANCH upang magpasa ng mga dokumentong nai-upload mo online o ACTUAL EVALUATION. Sa pagkakataong hindi ka makarating sa araw ng iyong APPOINTMENT, kaya gusto mong palitan yung APPOINTMENT mo, aantayin mong lumagpas ang iyong APPOINTMENT date, para ikaw ay makapag schedule ng panibagong Appointment.

FOR PRINTING/RELEASE Kapag for printing/release ang status mo, wala na pong set appointment yan, meaning Actual evaluation na agad.






6. Actual Evaluation and ID printing

Ito ang huling proseso ng iyong LTOPF application, magtungo sa branch (RCSU/FEO) na iyong napili upang i-evaluate ang mga dokumentong nai-upload online, pagkatapos ma-evaluate ang iyong dokumento, maari no nang ipa-print ang ID. Wag kalimutang dalhin ang resibo.





6. BILI KANA NG BARIL.. 💣💥😃😃


PAALALA.. WALANG NON- APPEARANCE 
Kung wala po kayong panahon para asikasuhin ang application nyo, kailangan kompleto sa requirements bago nyo ipaasikaso sa iba, with your Authorization Letter


PARA HINDI PO KAYO ma BUDOL, hindi nalalayo sa halagang PHP 3250 LANG ANG HALAGA NG LTOPF.

Sa iilang CARAVAN iba ang presyo, kasi meron silang PACKAGE..


NEURO                           900
DRUG TEST                   300
POLICE CLEARANCE   150
GUN SAFETY                 600
NOTARYO                      100
LTOPF FEE TYPE I        1200


TANONG?
  1. Saan kukuha ng NEURO, DRUGTEST, NATIONAL POLICE CLEARANCE AT GUN SAFETY?  
  • Dito sa Metro Manila, Camp Crame, Satellite Office Mall Of Asia ( Mon to Fri)
  • Outside Metro Manila ang alam ko lang sa inyong Regional RCSU, search nyo nalang sa FB yung RCSU sa region nyo.
  • LTOPF Caravan 
  1. Gaano ka tagal bago makuha ang result ng Drugtest at Neuro?
  • 3 to 5 days, kapag lumagpas na, mag follow up na kayo. (87230401 loc 4226 Drugtest) (87230401 loc. sabihin nyo nalang pa connect sa Health Services. for Neuro, onestopshopnp@gmail.com)
  1. Gaano ka tagal ang proseso sa pagkuha ng LTOPF?
  • depende, base sa experience ko 2 weeks, less or more, dati, ngayo buwan na inaabot.
  1. Pwede ba online mag apply?
  • Ang application, proseso ng papel/approval ay nanaganap online, pero sa Actual Evaluation personal kang magpapasa ng papel.
  1. Maari ba mag walk in sa pagkuha ng requirements?
  • Camp Crame at MOA 1st come 1st serve, sa Caravan, iba iba, meron me registration, meron rin walang registration.
Mahalagang mapanuod mo ito..




 




PARA SA MGA KATANUNGAN



   
BASE SA SARILI KONG KARANASAN ANG LAHAT NG IMPORMASYON

HINDI PO AKO KONEKTADO SA FEO, MAHILIG LANG AKO SA PEW PEW AT NAIS KO LANG MAKATULONG AT MAKABAWAS SA MGA PUMIPILA SA OSS CRAME PARA LANG MAGTANONG, LALO YUNG MGA SENIOR NA. LOLO DITO NA PO KAYO MAGTANONG MABAWASAN MAN LANG ANG RISK NA MAHAWA KAYO😁😁
 



Comments

  1. This blog has been more thorough and helpful than other how to videos. Thanks.

    ReplyDelete
  2. Kumprehensibo at direct to the point ang info sa blog nyo, laking tulong nito, salamat ng madami

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

PTCFOR, How to apply?

Downloadable Forms