Firearms Renewal
1. Sign in to your Online Account.
click here https://feo.pnp.gov.ph/
Sa pagkakataong hindi muna mabuksan ang iyong online account, mag email sa IT section ng FEO (itconcerns00@gmail.com/ feocsg@pnp.gov.ph/ inquiries.feopnp@gmail.com), maari rin kayong tumawag 87230401 loc 7156 para mag follow up ng iyong email, ngayon kung wala parin sagot ang isa pang paraan ay ang pagpunta mismo sa Camp Crame, IT section OSS 2nd floor.
2. Create Transaction
WARNING siguraduhing tama ang PROCESSING BRANCH na iyong napili
kailangan po nakanotaryo bago iupload
sa isang application form pwede pagsasamahin ang iilang baril.
note: parehas lang ang form ng new at renewal
4. Upload Application Form
4. Upload Application Form
note: kapag ang baril expired 2013 and below, sa OTHER SUPPORTING DOCUMENTS dun iupload yung binayarang penalty, pero kung expired 2014 and up walang ilalagay sa OTHER SUPPORTING DOCUMENTS.
5. Waiting Game
Pagkatapos mong mag upload ng dokumento ang una mong makikita ay
FOR ONLINE EVALUATION ito ay nangyayari sa processing branch na iyong napili, sila ang mag evaluate ng iyong dokumento kung sapat o hindi ba, ngayon kapag meron kulang, hindi po magtutuloy ang proseso, maglalagay sila ng remarks sa iyong account kung ano ang dapat mong gawin, halimbawa hindi napanotaryo ang ipinasa mong application form, kailangan mong ipanotaryo at iupload uli. Madalas dito nagtatagal ang application, sa tanong kung gaano ka tagal ang ONLINE EVALUATION, depende yun sa branch na pinili nyo, minsan mabilis minsan matagal, kaya kung mag follow up kayo, dun dapat sa branch na napili nyo,
FOR CFLD APPROVAL, FOR ACFEO APPROVAL, ito ay nangyayare sa FEO Camp Crame, mabilis nalang po ito, araw lang meron nang approval.
FOR ONLINE EVALUATION (1 week)
FOR ACFEO APPROVAL(Assistant Chief Firearm & Explosive Office 1-3 Days)
FOR CFLD APPROVAL (Chief Firearm License Division 1-3 Days)
6. Payment
saka lang maaring magbayad kapag meron ng reference code na lumabas sa account, maari po itong bayaran sa mismong landbank gamit ang oncoll slip, o kaya kung ikaw ay maalam sa online, pwede kang magbayad online gamit ang epayment ng landbank epayment click here, matapos ang pagbabayad kailangan iupload ang resibo, click mo lang ang upload receipt na makikita mo sa iyong online account.
Maari narin magbayad gamit ang Gcash, siguraduhin mo lang na merong sapat na laman ang Gcash mo, kailangan tuloy tuloy ang pagtransak gamit ang Gcash, kapag nag BACK ka kasi maaring mag FAIL, next option mo ay Landbank na. Paano magbayad gamit ang GCash click here
7. Set Appointment or For Printing Release
SET APPOINTMENT Pumili ng araw kung kailan ka pupunta sa processing BRANCH upang magpasa ng mga dokumentong nai-upload mo online o ACTUAL EVALUATION. Sa pagkakataong hindi ka makarating sa araw ng iyong APPOINTMENT, kaya gusto mong palitan yung APPOINTMENT mo, aantayin mong lumagpas ang iyong APPOINTMENT date, para ikaw ay makapag schedule ng panibagong Appointment.
FOR PRINTING/RELEASE Kapag for printing/release ang status mo, wala na pong set appointment yan, meaning Actual evaluation na agad.
8. Actual Evaluation/ ID printing
Ito ang huling proseso ng iyong FA renewal application, magtungo sa branch (RCSU/FEO) na iyong napili upang i-evaluate ang mga dokumentong nai-upload online, pagkatapos ma-evaluate ang iyong dokumento, maari no nang ipa-print ang ID. Wag kalimutang dalhin ang resibo.
Katanungan?
TANONG: Kapag expired ba me babayarang Penalty?
SAGOT: 2013 and below expired lang ang meron penalty, pagkatapos mo isubmit ang iyong application babalik to (resubmit status), makakatanggap ka ng email mula FEO, nandun ang detalye ng iyong babayaran, kapag nabayaran mo na, iupload mo siya sa OTHER SUPPORTING DOCUMENT.
Comments
Post a Comment