Guide in Securing LTOPF requirements

Neuro, Drug test, National Police clearance and Gun Safety Certificate

One Stop Shop Camp Crame
One Stop Shop Mall of Asia
LTOPF Caravan


Camp Crame, Quezon City

Drugtest, Neuro, at National Police Clearance, Notaryo meron lahat sa OSS, yung Gun Safety Seminar ay sa labas ng Camp Crame, ang pinakamalapit ay Armscor, Arcade Building harapan ng gate ng campo.
Kung kayo'y sa Crame mag aasikaso mas mabuti unahin ninyo ang GSS para hindi kayo magpabalikbalik sa loob ng Campo. Pagkatapos mo mag test fire at makuhanan ng picture, ibibigay sayo yung GSS Certificate, ang GSS certificate ay ipapavalidate mo sa loob ng campo, wag nyo kalimutan magpavalidate kasi hindi valid yung certificate kapag walang tatak.
Pagpasok mo sa loob ng Campo, One Stop Shop ang iyong tutunguhin, dun po kayo magpapavalidate ng certificate, nandun rin ang Neuro, Drugtest at National PNP clearnace.
Ang NPC ay online registration, pati ang payment dapat online ang transaction, GOOD news sa mga hirap sa online, kasi sa camp crame, maaring dun kana mag rehistro at magbayad. yun lang advantage parin kung bago ka magpunta dun nakapag online kana, makakasave ka ng ORAS.
Huwag nyo kalimutan magdala ng 2x2 ID picture, ballpen, lapis hindi ako sure pero magdala na rin para sa NEURO.
Bago ka magtungo sa Crame maghanda ka ng pasensya, mahirap ang parking sa mga nakakotse, dumating ako ng 7am wala ng parking, ang ending sa labas ka maghahanap, madalas wala rin, kaya ang ending sa Cubao. Ang haba ng lalakarin mo mula gate to OSS, sa ngayon wala ng nagtitinda ng pagkain at tubig sa OSS kaya magbaon ka. Nitong pandemic, sa na obserbahan ko mas lalo tumagal ang proseso, dumami ang pipilahan bago ka makapasok sa OSS.
Monday to Friday, 8 am to 5pm, pero yung Drugtest at Neuro meron cut off.
Bawal ang nakashort at dapat naka sapatos


Satellite Office MOA, Mall Of Asia, Pasay City

Drugtest, Neuro, at National Police Clearance, Notaryo at GSS meron sa MOA. North Parking, 2nd Floor, Goverment Services Area, hiwalay ang Drugtest. 
10 am ang bukas ng mall, pero wala pang 10 am, meron ng nakapila, minsan kapag marame n tao me bilang lang ang tinatanggap for neuro, pero ang drugtest hanggang 2pm. 
Ang GSS, banggitin mo lang sa mga Pulis dun, ang GSS dun ay charot charot lang, kukuhanan ka lang ng PICTURE, saka mas mahal kasi sila ang nagpapavalidate, at kailangan mong balikan ang hard copy. Wag kalimutan ang 2x2 ID picture at ballpen para sa NEURO.
National Police Clearance kailangan registered kana online at paid na account mo bago ka kumuha ng NPC sa MOA, wag mo rin kalimutan piliin ang Satellite MOA na branch.
Sa karanasan ko, 2 to 3 hours lang sa MOA tapos na lahat, kapag me nagtanong saken, lagi ko tinuturo ang MOA kasi, mabilis, hindi mahirap sa parking, wala kang lalakaring malayo at meron kang mabibilhan ng pagkain, hindi katulad sa Crame, ang ayaw ko lang yung GSS n babalikan mo pa yung certificate.
Monday to Friday, 10 am start


LTOPF Caravan


Wala po akong experience sa Caravan, pero ang ibabahagi ko sa inyo ay base sa mga nakalap kung impormasyon. Tulad sa Crame at MOA, one stop shop rin ang caravan, Meron rin silang Nuero, Drug Test, NPC at GSS.
Iba iba nag patakaran ng bawat Caravan, merong iba n yung taga caravan ang mag aasikaso sa aplikasyon mo, meron naman iba n kukuha kalang talaga ng kailangan mong requirements, kaya iba iba rin ang singilan nila.
Ang GSS sa caravan iba iba rin, meron iba na soft copy lang ibibigay sayo at hindi validated, sa ganun sitwasyon dapat kung anong RCSU ang nagpacaravan, yun ang processing branch ang piliin mo, kasi okay sa kanila yung ganun sitwasyon, pero kung sa FEO ang magiging processing branch mo, hindi oubra ang ganun.
Meron rin caravan na kukunin na nila lahat ng papel, pati pangbayad mo sa application kukunin na nila kasi sila n mag aasikaso lahat, kaso ang naging ending nun nakausap ko, hindi na asikaso yung papel nya kasi busy daw yung mga taga caravan, kaya siya nagbayad ng aplikayon nya, doble tuloy bayad niya.
Kapag kayoy ppunta sa caravan, makipag ugnayan muna kayo sa magbibigay ng caravan, madalas meron nmn silang kontak, kasi meron mga caravan na limitado lang ang tinatanggap.


Notes.....

  • sa mga taga NCR, marame ang nag aantay sa caravan, hindi nila alam na pwd sa Camp Crame at MOA, mas okay pong kumuha ng mga kailangan sa Camp Crame or MOA kaysa Caravan.
  • tandaan po sa mga kukuha palang ng LTOPF, wala pong mangyayare application sa Camp Crame, MOA o Caravan, ang gagawin mo lang dun ay kukuha ka ng requirements, at ang requirements kapag kompleto na, iupload muna siya, sa online po nangyayare ang evaluation, approval ng iyong aplikasyon. saka ka lang magpapasa ng papel kapag actual evaluation na.
  • sa mga magppunta sa Camp Crame at MOA, 2x2 ID picture, ballpen, lapis, valid ID at pangbayad lang po ang dadalhin, pero yung caravan sa probinsya mas maganda dalhin nyo lahat ano mang meron kayo na kakailanganin kasi iba iba ang patakarang ng Caravan.










Comments

Popular posts from this blog

LTOPF Procedures + Requirements + Fee

PTCFOR, How to apply?

Downloadable Forms